26 March 2026

Mayor Piwa Lim, Pinulong ang Gas Station Owners para sa Maayos na Suplay ng Petrolyo

Mayor Piwa Lim, Pinulong ang Gas Station Owners para sa Maayos na Suplay ng Petrolyo
Pinulong ni Mayor Piwa Lim ang mga may-ari ng gas stations sa Lungsod ng Tayabas ngayong Huwebes, March 26, 2026, upang talakayin ang mga hakbang na makatutulong sa pagpapanatili ng sapat at maayos na suplay ng petrolyo sa lungsod. Kaugnay ito ng inilabas na Executive Order No. 110 ni Pangulong Bongbong Marcos na nagdedeklara ng State of National Energy Emergency.
 
Binigyang-diin ni Mayor Lim ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng bawat sektor upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang anumang krisis na maaaring idulot ng kakulangan sa enerhiya. Hinikayat din niya ang mga gas station owners na sumunod sa umiiral na regulasyon at makiisa sa mga hakbang ng pamahalaan.
 
Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Elsa Rubio, City Local Government Operations Officer Fe Roales, BPLO Head Mark Sumilang, CDRRMO Head Che Bandelaria, GSO Cecil Potestades at Assistant City Treasurer Benilda De Guzman. Gayundin ang kinatawan Tayabas Component City Police Station at mga Barangay Chairpersons na nakakasakop sa mga gas stations.
 
Inilatag sa pulong ang mga hakbang para matiyak ang koordinasyon sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng pribadong sektor sa usapin ng fuel supply, price monitoring at contingency measures sakaling magkaroon ng kakulangan sa suplay ng langis.
 
Patuloy namang magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng mga hakbang at monitoring upang matiyak ang sapat na suplay ng enerhiya at maprotektahan ang kapakanan ng mga mamamayan ng Tayabas.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
 
Mayor Piwa Lim, Pinulong ang Gas Station Owners para sa Maayos na Suplay ng Petrolyo
Mayor Piwa Lim, Pinulong ang Gas Station Owners para sa Maayos na Suplay ng Petrolyo
Mayor Piwa Lim, Pinulong ang Gas Station Owners para sa Maayos na Suplay ng Petrolyo
Shared on
Scroll to Top