26 March 2026

172 Day Care Learners, Nagtapos sa Moving-Up Ceremony sa Tayabas

172 Day Care Learners, Nagtapos sa Moving-Up Ceremony sa Tayabas
Sandaan pitumpu’t dalawang (172) Early Childhood Care and Development (ECCD) learners o mga day care children mula sa pitong (7) Child Development Centers ang matagumpay na nagtapos ngayong Huwebes, Marso 26, 2026.
 
Pinangunahan ni SWDO Irma Ilocario, ang pagpresenta ng mga batang magsisipagtapos kay Mayor Piwa Lim, na kinatawan ng kanyang may bahay na si Mrs. Minda Lim, bilang pagpapatibay sa kanilang pagtatapos sa isinagawang taunang Moving-Up Ceremony sa ilalim ng Child Development Services.
 
Dumalo rin bilang panauhing pandangal si Rizza Llaneta, Chairperson ng Sangguniang Panlungsod Committee on Education.
 
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Konsehal Llaneta ang mga magulang na patuloy na gabayan at suportahan ang kanilang mga anak upang makamit ang kanilang mga pangarap at makatapos ng pag-aaral.
 
Ang Child Development Services ay sumasalamin sa matibay na adhikain ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas na itaguyod ang kapakanan at kinabukasan ng bawat batang Tayabasin. Bahagi rin ito ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa maagang edukasyon at sa holistikong paghubog sa kabataan.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
172 Day Care Learners, Nagtapos sa Moving-Up Ceremony sa Tayabas
172 Day Care Learners, Nagtapos sa Moving-Up Ceremony sa Tayabas
172 Day Care Learners, Nagtapos sa Moving-Up Ceremony sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top