27 March 2026

Lingap at Malasakit, Personal na Inihahatid sa mga Tahanan ng Tayabasin

Lingap at Malasakit, Personal na Inihahatid sa mga Tahanan ng Tayabasin
Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng home-visitation sa mga Tayabasin, lalo na ang mga matatandang bedridden, post-stroke, o may mga ortho-geriatric na karamdaman at mga pasyenteng hindi na kayang pumunta sa mga health facility upang direktang mahatiran ng serbisyong medikal sa ilalim ng programang “Lingap at Malasakit.”
 
Noong Huwebes at ngayong Biyernes, March 27, 2026, ay pinangunahan ni City Health Officer Dr. Hernando Marquez at mga kasamang kawani ng City Health Office at City Social Welfare and Development Office ang pagbisita sa mga pasyente sa kanilang tahanan upang maihatid ang angkop na gamot at karagdagang tulong medikal.
 
Ang Lingap at Malasakit Program ay isang priority program ni Mayor Piwa Lim na naglalayong ipadama sa bawat Tayabasin lalo na sa mga matatanda na hindi sila nakakalimutan, bagkus ay pinupuntahan mismo sa kanilang tahanan upang masigurong naipapaabot ang serbisyong medikal na kanilang kinakailangan.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Lingap at Malasakit, Personal na Inihahatid sa mga Tahanan ng Tayabasin
Lingap at Malasakit, Personal na Inihahatid sa mga Tahanan ng Tayabasin
Lingap at Malasakit, Personal na Inihahatid sa mga Tahanan ng Tayabasin
Shared on
Scroll to Top