27 March 2026

24/7 OPD ng Tayabas, Patuloy ang Serbisyo sa Kabila ng 4-Day Workweek

24/7 OPD ng Tayabas, Patuloy ang Serbisyo sa Kabila ng 4-Day Workweek
Binisita ni Mayor Piwa Lim ang 24/7 Outpatient Department ng City Health Office sa Main Health Center nito sa Annex Building ng Old Tayabas City Hall ngayong Biyernes, March 27, 2026.
 
Sa kabila ng pagpapatupad ng 4-Day Workweek ay patuloy na bukas 24-hours-a-day, 7 days-a-week, kahit na holiday, ang OPD clinic na isa ring Philhealth Yakap Accredited.
 
Inabutan ng alkalde na abala sa pagsisilbi sa mga pasyente ang mga tauhan ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Hernando Marquez.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
24/7 OPD ng Tayabas, Patuloy ang Serbisyo sa Kabila ng 4-Day Workweek
24/7 OPD ng Tayabas, Patuloy ang Serbisyo sa Kabila ng 4-Day Workweek
24/7 OPD ng Tayabas, Patuloy ang Serbisyo sa Kabila ng 4-Day Workweek
Shared on
Scroll to Top