29 March 2026

Prusisyon at Pagbabasbas ng Palaspas, Dinumog ng mga Mananampalataya

Prusisyon at Pagbabasbas ng Palaspas, Dinumog ng mga Mananampalataya
Ginunita ng mga mananampalatayang Tayabasin ang matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem kung saan siya ay sinalubong ng mga taong kumakaway gamit ang mga sanga ng palma, ngayong Linggo ng Palaspas, Marso 29, 2026.
 
Dumagsa ang mga deboto, kabilang sina Mayor Piwa Lim at ang kanyang maybahay na si Mrs. Minda Lim, Konsehal Ana Obispo, Konsehal Jerry Caagbay, at PKB President Conrado Aragon, sa mga nakiisa sa misa at pagbabasbas ng palapas, nag-alay ng panalangin at nagnilay sa pagsisimula ng kwaresma o mahal na araw.
 
Nagsimula ang prusisyon sa simbahan ng Ermita patungo sa Basilika, kung saan ginanap ang pagbabasbas ng mga palaspas sa pangunguna ni Rev. Msgr. Dennis M. Imperial kasama ang iba pang mga pari ng parokya ni San Miguel Arkanghel.
 
Nagsilbing paanyaya ang Linggo ng Palaspas sa bawat isa na pagnilayan ang tunay na diwa ng Semana Santa - ang sakripisyo, pagmamahal, at pananampalataya bilang gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Prusisyon at Pagbabasbas ng Palaspas, Dinumog ng mga Mananampalataya
Prusisyon at Pagbabasbas ng Palaspas, Dinumog ng mga Mananampalataya
Prusisyon at Pagbabasbas ng Palaspas, Dinumog ng mga Mananampalataya
Shared on
Scroll to Top