30 March 2026

131 Early Childhood Care and Development (ECCD) learners mula sa Palale Cluster, Nagtapos sa Moving-Up Ceremony

131 Early Childhood Care and Development (ECCD) learners mula sa Palale Cluster, Nagtapos sa Moving-Up Ceremony
Matagumpay na nagtapos ang sandaan tatlumpu't isang (131) Early Childhood Care and Development (ECCD) learners o mga day care children mula sa Valencia , Ibabang Palale , Ilayang palale, Kanlurang Palale, at Silangang Palale Child Development Centers ngayong Lunes, Marso 30, 2026.
 
Pinangunahan ni SWDO Irma Ilocario ang pagpresenta ng mga batang magsisipagtapos kay Mayor Piwa Lim, na kinatawan ng kanyang maybahay na si Mrs. Minda Lim, bilang pagpapatibay sa kanilang pagtatapos sa isinagawang taunang Moving-Up Ceremony sa ilalim ng Child Development Services.
 
Dumalo rin bilang panauhing pandangal si Konsehal Riza Llaneta, Chairperson ng Sangguniang Panlungsod Committee on Education. Sa kanyang mensahe, hinikayat niya ang mga magulang na patuloy na gabayan at suportahan ang kanilang mga anak upang makamit ang kanilang mga pangarap at matagumpay na makatapos ng pag-aaral.
 
Samantala, nagbigay naman ng pangwakas na mensahe si Kapitan Ronald Reyes ng Brgy. Ilayang Palale, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng edukasyon bilang pundasyon ng magandang kinabukasan ng mga bata.
 
Ang Child Development Services ay sumasalamin sa matibay na adhikain ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas na itaguyod ang kapakanan at kinabukasan ng bawat batang Tayabasin. Bahagi rin ito ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa maagang edukasyon at sa paghubog sa kabataan.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
131 Early Childhood Care and Development (ECCD) learners mula sa Palale Cluster, Nagtapos sa Moving-Up Ceremony
131 Early Childhood Care and Development (ECCD) learners mula sa Palale Cluster, Nagtapos sa Moving-Up Ceremony
131 Early Childhood Care and Development (ECCD) learners mula sa Palale Cluster, Nagtapos sa Moving-Up Ceremony
Shared on
Scroll to Top