6 April 2026

Mahigit 300 Buntis, Naki-isa sa Buntispectation 2026 sa Tayabas

Mahigit 300 Buntis, Naki-isa sa Buntispectation 2026 sa Tayabas
BUNTISPECTATION 2026 || Pinangunahan ng City Health Office ang matagumpay na pagsasagawa ng Buntispectation 2026 ngayong Lunes, Abril 6, 2026, sa Silungang Bayan ng Tayabas.
 
Dumalo ang mahigit tatlundaang (300) mga buntis mula sa iba’t ibang barangay sa aktibidad na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga nagdadalang-tao ukol sa wastong pangangalaga sa kanilang kalusugan.
 
Kabilang sa mga naging tagapagsalita sina Midwife III Raechel Dañez at Gerald Alvin Dichoso mula sa Department of Health na kapwa nagbigay ng mahahalagang impormasyon hinggil sa ligtas at maayos na pagbubuntis. Nagpaabot naman ng mensahe ng pagbati at inspirasyon sina Dr. Hernando Marquez at Dr. Kristine Del Moro Oates na humikayat sa mga kalahok na patuloy na pangalagaan ang kanilang kalusugan para sa ligtas na panganganak.
 
Dumalo rin si Executive Assistant Inah Margallo bilang kinatawan ni Mayor Piwa Lim, at ipinaabot ang mensahe na kabilang sa pangunahing prayoridad ng administrasyon ang kalusugan ng mga buntis. Nakiisa rin sina Konsehal Riza Llaneta at Konsehal Ana Obispo sa nasabing aktibidad. Sa pagtatapos ng programa, ipinaabot ni Midwife-V Marilou Villanueva ang taos-pusong pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Tayabas sa patuloy na suporta nito sa mga buntis. Hinikayat din niya ang mga kalahok na huwag mag-atubiling lumapit sa kanilang mga midwife o sa pamahalaan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
 
Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng mga Buntis Kit na makatutulong sa pangangailangan ng mga ina sa mga dumalo.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mahigit 300 Buntis, Naki-isa sa Buntispectation 2026 sa Tayabas
Mahigit 300 Buntis, Naki-isa sa Buntispectation 2026 sa Tayabas
Mahigit 300 Buntis, Naki-isa sa Buntispectation 2026 sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top