6 April 2026

38 Imahe ng mga Santo, Tampok sa Buen Camino 2026

38 Imahe ng mga Santo, Tampok sa Buen Camino 2026
BUEN CAMINO 2026: “MAPAGPALANG PAGLALAKBAY”

Muling nasilayan sa kahabaan ng lansangang Quezon Avanue ang tatlumpu’t walong (38) imahe ng mga santo na maayos na nakahanay para pagnilayan ng mga deboto noong Huwebes Santo. Ang Buen Camino 2026 ay binuksan ganap na ika-6:00 ng gabi sa pangunguna ni Rev. Msgr. Dennis Imperial.

Nanguna sa pagbubukas ng “Buen Camino: Mapagpalang Paglalakbay” sina Mayor Piwa Lim, ang kanyang maybahay na si Ginang Minda Lim, Konsehal Riza Mae Llaneta, Konsehal Phaula Nadres at Konsehal Elsa Rubio.

Magkatuwang na pinangasiwaan ng City Tourism Office at ng Parokya ni San Miguel Arkanghel ang Buen Camino na isang paraan para patuloy na maisulong ang mga gawaing pangrelihiyon at pangkultura sa Lungsod ng Tayabas.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
38 Imahe ng mga Santo, Tampok sa Buen Camino 2026
38 Imahe ng mga Santo, Tampok sa Buen Camino 2026
38 Imahe ng mga Santo, Tampok sa Buen Camino 2026
Shared on
Scroll to Top