7 April 2026

Regional Nutrition Evaluation Team, Nagsagawa ng Validation Visit sa Tayabas

Regional Nutrition Evaluation Team, Nagsagawa ng Validation Visit sa Tayabas
Muling sumasailalim ang Lungsod ng Tayabas sa Validation Visit ng Regional Nutrition Evaluation Team (RNET) sa pamumuno ni Regional Nutrition Program Coordinator (RNPC) Lourdes Bulante-Orongan, National Nutrion Council Project Development Officer Ane Nicole S. Gonzales at Fil Vincent Garcia ng National Commission on Indigenous People (NCIP) simula noong Lunes, April 6, 2026 hanggang Miyerkules, April 8, 2026.
 
Kabilang sa mga aktibidad ang pagsasagawa ng Desk Evaluation upang matukoy ang compliance sa Monitoring and Evaluation of Local level Plan Implementation (MELLPI) sa Barangay Dapdap.
 
Personal na binisita ni Maypr Piwa Lim ang isinasagawang validation visit upang magpaabot ng suporta. Samantalang ang City Health Office sa pamumuno ni Dr. Hernando Marquez katuwang ang City Nutrition Office sa pamumuno ni City Nutrition Officer Marinela Zaporteza-Chong ang namamahala sa mga kaugnay na gawain.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Regional Nutrition Evaluation Team, Nagsagawa ng Validation Visit sa Tayabas
Regional Nutrition Evaluation Team, Nagsagawa ng Validation Visit sa Tayabas
Regional Nutrition Evaluation Team, Nagsagawa ng Validation Visit sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top