8 April 2026

74 na Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng P407K Indemnity mula PCIC

74 na Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng P407K Indemnity mula PCIC
Pitumpu’t apat (74) na magsasakang Tayabasin ang tumanggap ng Indemnity Checks na nagkakahalaga ng P407,883.75 mula sa Philippine Crop Insurance Corporation-Regional Office-4 sa isinagawang payout ngayong Miyerkules, April 8, 2026, sa Training Room ng New Tayabas City Hall.
 
Nagpaabot ng mensahe at pagbati si Mayor Piwa Lim sa pamamagitan ng kaniyang kinatawan na si Mr. Chrisostomo Abrigo. Aniya, “Alam naming hindi biro ang pagiging magsasaka, kaya tungkulin ng pamahalaan na tiyaking may kaagapay kayo sa panahon ng pangangailangan at krisis. Sa tulong ng PCIC at ng lokal na pamahalaan, patuloy kayong magsumikap at mapanatili ang inyong sigla at motibasyon sa pagbibigay ng pagkain sa bawat tahanan ng ating mahal na Lungsod ng Tayabas.”
 
Pinamahalaan ni PCIC representative Aljane Mharu Oabel ang pamamahagi ng Indemnity Checks katuwang ang City Agriculture’s Office sa pamumuno ni City Agriculturist Rommel Abuyan na may layuning bigyan ng tulong pinansyal ang mga magsasakang naapektuhan ng mga natural na kalamidad tulad ng bagyo at peste.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
74 na Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng P407K Indemnity mula PCIC
74 na Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng P407K Indemnity mula PCIC
74 na Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng P407K Indemnity mula PCIC
Shared on
Scroll to Top