8 April 2026

Cash Aid at Relief Goods, Ipinagkaloob sa mga Nasunugan sa Tayabas

Cash Aid at Relief Goods, Ipinagkaloob sa mga Nasunugan sa Tayabas
Binisita ni Mayor Piwa Lim kasama sina Konsehal Jerry Talaga, CDRRMO Che Badelaria at CSWDO Irma Ilocario ngayong Miyerkules, April 8, 2026, ang pinangyarihan ng sunog sa Barangay Tongko upang maghatid ng tulong pinansyal, relief goods at ilang importanteng kagamitan sa limang pamilyang naging biktima ng nasabing sunog malapit sa Ayta community kahapon, April 7, 2026.
 
Tumanggap ng tigsa-sampung libong piso (P10,000) ang bawat pamilyang may totally-damaged houses, at limang libong piso (P5,000) naman ang tinanggap ng isang pamilya na may partially-damaged house.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Cash Aid at Relief Goods, Ipinagkaloob sa mga Nasunugan sa Tayabas
Cash Aid at Relief Goods, Ipinagkaloob sa mga Nasunugan sa Tayabas
Cash Aid at Relief Goods, Ipinagkaloob sa mga Nasunugan sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top