14 April 2026

Pagkatapos ng Isang Dekada: BANHS May Sariling Water System na

Pagkatapos ng Isang Dekada: BANHS May Sariling Water System na
Halos isang dekada na simula ng itatag ang Buenaventura Alandy National High School. At humigit-kumulang sampung taon na rin na walang supply ng tubig na magagamit sa paaralan.
 
Subalit ngayon, makalipas ang sampung taon, naisakatuparan na ang inaasam na pagkakaroon ng supply ng tubig na magagamit ng humigit-kumulang sanlibong mag-aaral. May dadaloy na sa lahat ng silid-aralan. May ipanglilinis na sa lahat ng kubeta at palikuran.
 
Ngayong Martes, April 14, 2026, personal na binisita ni Mayor Piwa Lim ang isinasagawang pagsasayos ng water system sa Buenaventura Alandy National High School (BANHS) at sa tanggapan ng Schools Division Office of the City of Tayabas.
 
Magkakasamang nagtungo doon sina Mayor Piwa Lim, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Luz Cuadra at GSO Cecil Potestades upang matiyak na agarang matatapos ang proyekto upang mapakinabangan ng mga mag-aaral sa susunod ng pagbubukas ng pasok sa eskwelahan.
 
Lubos ang pasasalamat ni BANHS Principal Cherry G. Hugo sa patuloy na pagsupota ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa pamumuno ni Mayor Piwa Lim upang makapagbigay ng maayos at de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral na Tayabasin.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Pagkatapos ng Isang Dekada: BANHS May Sariling Water System na
Pagkatapos ng Isang Dekada: BANHS May Sariling Water System na
Pagkatapos ng Isang Dekada: BANHS May Sariling Water System na
Shared on
Scroll to Top