15 April 2026

Barangay Silangang Domoit, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim

Barangay Silangang Domoit, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Nag-courtesy call kay Mayor Piwa Lim si Kapitan Arnel Laudit at ang bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Silangang Domoit ngayong Miyerkules, April 15, 2026, upang maipahayon ang mga mahahalagang usapin sa kanilang nasasakupan.
 
Kabilang sa mga napag-usapan ang pagsasaayos ng patubig sa barangay na tutugon sa mga pangangailangan ng mga residente ng Silangang Domoit.
 
Kasamang humarap ng alkalde sa mga panauhin sina Konsehal Phaula Nandres at Konsehal Riza Llaneta na nagpahayag din ng kanilang suporta sa mga programang makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng Barangay Silangang Domoit.
 
Nagpasalamat naman si Mayor Piwa Lim sa pagbisita ng mga opisyal ng barangay at tiniyak ang pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang mga proyektong makapagpapabuti sa kapakanan ng mga mamamayan.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki


Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Barangay Silangang Domoit, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Barangay Silangang Domoit, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Barangay Silangang Domoit, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Shared on
Scroll to Top