16 April 2026

11 Tayabasin, Sumailalim sa Initial Screening para sa PNP Attrition Quota Program

11 Tayabasin, Sumailalim sa Initial Screening para sa PNP Attrition Quota Program
Isinagawa sa New Tayabas City Hall ang initial screening para sa PNP Attrition Quota Program, kung saan labing-isang (11) Tayabasin ang sumailalim sa pagsusuri upang masiguro ang kanilang kwalipikasyon at kahandaan sa hangaring mapabilang na miyembro ng Philippine National Police (PNP).
 
Naisakatuparan ang nasabing screening sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan ni Mayor Piwa Lim kay PNP Region IV-A Regional Director PBGEN Hansel Marantan, na nagbigay-daan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikadong Tayabasin na makasama sa proseso ng pagpili ng mga bagong pulis.
 
Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas, sa pangunguna ni Mayor Piwa Lim, sa pagbibigay ng oportunidad sa mga Tayabasin na makapagsilbi sa bayan at makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
11 Tayabasin, Sumailalim sa Initial Screening para sa PNP Attrition Quota Program
11 Tayabasin, Sumailalim sa Initial Screening para sa PNP Attrition Quota Program
11 Tayabasin, Sumailalim sa Initial Screening para sa PNP Attrition Quota Program
Shared on
Scroll to Top