27 April 2026

Permanenteng Barangay Hall at Iba Pang Pasilidad, Hiling ng Barangay Valencia

Permanenteng Barangay Hall at Iba Pang Pasilidad, Hiling ng Barangay Valencia
Nakipagpulong kay Mayor Piwa Lim si Valencia Barangay Chairperson Laura Cabriga at ang bumubuo ng Sangguniang Barangay ngayong Lunes, April 27, 2026, upang talakayin ang kanilang kahilingan na mabigyan ng kaukulang pondo para sa pagbili ng lupang pagtatayuan ng permanenteng Barangay Hall, covered court, child development center, at evacuation center.
 
Ayon sa kanila, kasalukuyang nakatayo ang kanilang Barangay Hall sa lupang hindi pagmamay-ari ng barangay kaya humihiling sila na mabigyan ng pondo para masiguro ang pangmatagalang pakikinabang sa gusaling pambarangay na pangunahing pinagsasagawaan ng mga serbisyo para sa kanilang nasasakupan.
 
Tiniyak naman ni Mayor Piwa Lim na kanyang pagtutuunan ng pansin at aaksyunan ang nasabing kahilingan.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki


Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Permanenteng Barangay Hall at Iba Pang Pasilidad, Hiling ng Barangay Valencia
Permanenteng Barangay Hall at Iba Pang Pasilidad, Hiling ng Barangay Valencia
Permanenteng Barangay Hall at Iba Pang Pasilidad, Hiling ng Barangay Valencia
Shared on
Scroll to Top