29 April 2026

Bagong Pamunuan ng 16 Kooperatiba, Pormal nang Nanumpa

Bagong Pamunuan ng 16 Kooperatiba, Pormal nang Nanumpa
Sama-samang nanumpa sa tungkulin sa harap ni Mayor Piwa Lim ang mga bagong halal na officers ng labing-anim na kooperatiba sa Lungsod ng Tayabas, ngayong Miyerkules, April 29, 2026.
 
Iniharap ni City Cooperative Development Officer Gener Abordo sa alkalde ang mga bagong opisyal ng iba’t ibang kooperatiba, kabilang ang Tayabas RIC Credit Cooperative, Maprotas Agriculture Cooperative, Tayabas Water Service Cooperative, Masa Credit Cooperative, Samahan ng Nagkakaisang Magsasaka ng Ibabang Palale sa Tayabas Credit Cooperative, New Growth Farmers Agriculture Cooperative, Binhi ng Kalikasan sa Barangay Lalo Agriculture Cooperative, Kalipi Tayabas Producers Cooperative, Nagkakaisang Samahan ng mga Magniniyog sa Tayabas Agriculture Cooperative, Samawin Coconut Farmers Agriculture Cooperative, Tayabas City Coconut Farmers Cooperative, Tayabas City Transport Service Multi-Purpose Cooperative, Newspaco Agriculture Cooperative, Tayabas City Union Cooperative, Tayabas City Cooperative Development Council at Kaban ng Kapitbahayan Credit Cooperative.
 
Sinaksihan nina Konsehal Elsa Rubio, TCCDC Chairperson Bernie G. Obmasca at Ms. Olga Naynes, na kumatawan kay Konsehal Riza Llaneta ang panunumpa. Lahat sila ay nagbahagi ng kanilang mensahe ng pagsuporta sa mga kooperatiba.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Bagong Pamunuan ng 16 Kooperatiba, Pormal nang Nanumpa
Bagong Pamunuan ng 16 Kooperatiba, Pormal nang Nanumpa
Bagong Pamunuan ng 16 Kooperatiba, Pormal nang Nanumpa
Shared on
Scroll to Top