29 April 2026

42 Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng Indemnity Checks mula sa PCIC

42 Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng Indemnity Checks mula sa PCIC
Apatnapu't dalwang (42) magsasakang Tayabasin ang tumanggap ng Indemnity Checks na nagkakahalaga ng P211, 859.50 mula sa Philippine Crop Insurance Corporation-Regional Office-4 sa isinagawang payout ngayong Miyerkules, April 29, 2026, sa Conference Room ng Office of the City Mayor.
 
Nagpaabot ng mensahe at pagbati si Mayor Piwa Lim. Aniya, “Ako po ay nagpapasalamat sa patuloy na suporta ng PCIC, lalong-lalo na nga po pag may nagyayaring kalamidad at sakuna ay tayo po ay nakakakuha sa kanila ng indemnity pay. Napakalaking tulong po nito sa mga magsasaka. Bukod po dun ay ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ay patuloy ang suporta sa inyong mga magsaaaka, at kung ano man po ang inyong pangangailangan ay kami po ay nakasuporta sa inyo. "
 
Pinamahalaan ni PCIC Representative Aljane Mharu Oabel ang pamamahagi ng Indemnity Checks katuwang ang City Agriculture’s Office sa pamumuno ni City Agriculturist Rommel Abuyan.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
42 Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng Indemnity Checks mula sa PCIC
42 Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng Indemnity Checks mula sa PCIC
42 Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng Indemnity Checks mula sa PCIC
Shared on
Scroll to Top