4 May 2026

Mayohan Festival 2026, Binuksan sa Pamamagitan ng Pintakasi at Prusisyon

Mayohan Festival 2026, Binuksan sa Pamamagitan ng Pintakasi at Prusisyon
Taglay ang matibay na pananalig, pagpupuri at pagkilala kay San Isidro Labrador bilang patron ng mga magsasaka, pinabasbasan at iprinusisyon ng mga Tayabasin ang mga imahe ng Pintakasi ng mga Magbubukid matapos ang misa na pinamunuan ni Rev. Msgr. Dennis Imperial sa Basilika Menor ni San Miguel Arkanghel noong Linggo, May 3, 2026.
 
Kabilang si Mayor Piwa Lim at ang kanyang maybahay na si Mrs. Minda Lim, ABC President Conrado Aragon, at mga kinatawan buhat sa iba’t ibang samahan at mga barangay sa mga sumama sa prusisyon kung saan may mga karga o di kaya ay nakakaritelang imahen ni San Isidro Labrador.
 
Naging hudyat na rin ito ng pagbubukas ng ika-38 pagdiriwang ng Mayohan Festival sa Lungsod ng Tayabas.
 
Nagpahayon ng pagbati si Mayor Piwa Lim sa lahat ng mga magsasaka at manggagawang Tayabasin na patuloy na nananalig kay Santo Patron San Isidro Labrador na sandigan ng pananalig para sa masaganang ani at malusog na sakahan sa Lungsod ng Tayabas.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayohan Festival 2026, Binuksan sa Pamamagitan ng Pintakasi at Prusisyon
Mayohan Festival 2026, Binuksan sa Pamamagitan ng Pintakasi at Prusisyon
Mayohan Festival 2026, Binuksan sa Pamamagitan ng Pintakasi at Prusisyon
Shared on
Scroll to Top