5 May 2026

CCT, Naghahanda para sa Institutional Recognition sa Pakikipagpulong kay Mayor Piwa Lim

CCT, Naghahanda para sa Institutional Recognition sa Pakikipagpulong kay Mayor Piwa Lim

Naghahanda na ang pamunuan ng Colegio de la Ciudad de Tayabas sa nakatakdang institutional recognition ng kolehiyo. Kaugnay nito, nakipagpulong kay Mayor Piwa Lim sina Konsehal Jerry Caagbay, OIC-College Administrator Dr. Florenitte C. De Guzman, VP for Research-Extension and External Affairs Dr. Ma Cecilia G. Cantos at Office Heads ng CCT noong Lunes, May 4, 2026, upang talakayin ang update sa timeline ng nasabing recognition. Layunin ng pulong na magkaroon ng malinaw na gabay sa bawat hakbang na kailangang sundin upang makamit ang opisyal na pagkilala o akreditasyon ng paaralan.

Inilatag ni Dr. Florenitte C. De Guzman ang mga kaukulang hakbang para maayos na maihanda ang mga dokumento, matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan ng kalidad ng edukasyon at masubaybayan ang progreso ng bawat proseso mula paghahanda hanggang pag-apruba ng CHED bilang Higher Education Institution.
 
Nagtagubilin si Mayor Piwa Lim sa pamunuan ng kolehiyo na siguraduhin ang pagsunod sa lahat ng mga kinakailangang dokumento. Sinigurado ng alkalde ang buong suporta at kasiguruhan sa badyet ng paaralan upang makapagbigay ng de-kalidad at maayos na edukasyon para sa mga mag-aaral.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
CCT, Naghahanda para sa Institutional Recognition sa Pakikipagpulong kay Mayor Piwa Lim
CCT, Naghahanda para sa Institutional Recognition sa Pakikipagpulong kay Mayor Piwa Lim
CCT, Naghahanda para sa Institutional Recognition sa Pakikipagpulong kay Mayor Piwa Lim
Shared on
Scroll to Top