5 May 2026

Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Isang Senior sa Ibabang Ilasan

Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Isang Senior sa Ibabang Ilasan
Mismong si Mayor Piwa Lim ang naghatid ng bago at matibay na wheelchair sa tahanan ni Nanay Teodora S. Nual sa Barangay Ibabang Ilasan ngayong Martes, May 5, 2026.
 
Kasama ng alkalde sa paghahatid ng bagong assistive device sina Konsehal Jerry Talaga at Konsehal Elsa Rubio.
 
Patuloy na ipinararamdam ni Mayor Piwa Lim ang malasakit ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa kapakanan ng mga nangangailangang sektor sa pamamagitan ng mga programang tumutulong sa mga indibidwal na may kapansanan o may limitasyon sa paggalaw upang mas mapabuti ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at magkaroon ng mas maayos na kalidad ng buhay.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Isang Senior sa Ibabang Ilasan
Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Isang Senior sa Ibabang Ilasan
Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Isang Senior sa Ibabang Ilasan
Shared on
Scroll to Top