5 May 2026

Mayor Piwa Lim, Umaksyon sa Suliranin sa Tubig ng Luis Palad Integrated High School

Mayor Piwa Lim, Umaksyon sa Suliranin sa Tubig ng Luis Palad Integrated High School
Nakipagpulong si Mayor Piwa Lim sa pamunuan ng Luis Palad Integrated High School kaugnay ng suliranin ng paaralan sa suplay ng tubig noong Lunes, May 4, 2026.
 
Nakaharap ng alkalde sa naturang pulong sina LPIHS Principal IV Gregorio I. Racelis at School Governing Council President Abner Malabanan na tumalakay sa mga posibleng solusyon sa problemang nakakaapekto sa mga mag-aaral at kawani ng paaralan.
 
Kasama ng alkade sa isinagawang pagpupulong sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Elsa Rubio, GSO Cecil Potestades at Ipilan Barangay Chairperson Rommel Lado.
 
Hangad ng magkabilang panig na agad na matugunan ang kakulangan sa tubig sa paaralan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor ng lipunan.
 
Ipinahayag ng alkalde ang kanyang buong suporta upang masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga estudyante. At aniya ay patuloy na magsasagawa ng mga kaukulang hakbang ang lokal na pamahalaan upang maresolba ang naturang isyu sa lalong madaling panahon.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Umaksyon sa Suliranin sa Tubig ng Luis Palad Integrated High School
Mayor Piwa Lim, Umaksyon sa Suliranin sa Tubig ng Luis Palad Integrated High School
Mayor Piwa Lim, Umaksyon sa Suliranin sa Tubig ng Luis Palad Integrated High School
Shared on
Scroll to Top