5 May 2026

Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pulong kasama ang mga Punong Barangay

Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pulong kasama ang mga Punong Barangay
Nakipagpulong kay Mayor Piwa Lim ang mga kapitan ng iba’t ibang barangay upang talakayin ang mga proyektong nakalaan para sa kani-kanilang nasasakupan.
 
Kabilang sa mga humarap sa alkalde ngayong Martes, May 5, 2026, ang mga Kapitan at kinatawan ng Barangay Ibabang Palale, Barangay Kanlurang Palale, Barangay Anos, Barangay Valencia, Barangay Calumpang, Barangay Dapdap, Barangay Mateuna, Barangay Ipilan, Barangay Calantas, Barangay Malao-a, Barangay Wakas, Barangay Camaysa, Barangay Opias, at Barangay Lalo.
 
Kasama naman ni Mayor Piwa Lim sa pakikipagpulong sina Konsehal Jerry Caagbay, LnB President Conrado Aragon, Architect Eladio Manzano, CPDC Gino Zaporteza at mga kinatawan ng City Engineering Office.
 
Masusing tinalakay at sinagot sa naturang pulong ang mga katanungan at hinaing ng mga lider-barangay upang higit na mapalalim ang kanilang pag-unawa sa kanilang mga proyekto.
 
Naging daan ang meeting para linawin ang paggamit ng pondong nakalaan sa mga proyekto at tiyakin ang wastong alokasyon nito nang sa huli ay higit na mapalago ang kabuhayan sa Lungsod ng Tayabas.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pulong kasama ang mga Punong Barangay
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pulong kasama ang mga Punong Barangay
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pulong kasama ang mga Punong Barangay
Shared on
Scroll to Top