5 May 2026

Mayor Piwa Lim, Nagbigay-Inspirasyon sa 1st CCT Research Forum 2026

Mayor Piwa Lim, Nagbigay-Inspirasyon sa 1st CCT Research Forum 2026
"Sa ating mga kabataang mananaliksik, ang inyong mga ginagawang pag-aaral ay hindi lamang pagtupad sa mga academic requirements, bagkus ito ay pundasyon ng pag-unlad. Ang bawat datos na inyong kinakalap at bawat konklusyong inyong na bubuo ay potensyal na maging batayan ng mga polisiya at programa na magpapaunlad sa ating komunidad." Ito ang mensahe ni Mayor Piwa Lim sa kanyang pagdalo sa 1st Colegio de la Ciudad de Tayabas Research Forum 2026 ngayong Martes, May 5, 2026, sa Training Room ng New Tayabas City Hall.
 
Nagtagisan ng galing ang mga 4th Year College students ng Colegio de la Ciudad de Tayabas sa paggawa at paglalahad ng Computer Science Research, Feasibility Study, Culture and Arts Research at Tourism Research.
 
Dinaluhan ang forum ng mga guro at 3rd-year students ng CCT sa pamumuno nina OIC-College Administrator Dr. Florenitte C. De Guzman at VP for Research, Extension and External Affairs Dr. Ma. Cecilla G. Cantos.
 
Naging Board of Evaluators sina CCDO Gener Abordo, IT Officer-II Dominic Unson at Former Councilor Dr. Farley L. Abrigo. Samantalang nagbahagi ng mensahe sina Konsehal Jerry Caagbay at Konsehal Riza Llaneta.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Nagbigay-Inspirasyon sa 1st CCT Research Forum 2026
Mayor Piwa Lim, Nagbigay-Inspirasyon sa 1st CCT Research Forum 2026
Mayor Piwa Lim, Nagbigay-Inspirasyon sa 1st CCT Research Forum 2026
Shared on
Scroll to Top