5 May 2026

Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pulong para sa RCEF-Mechanization Project

Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pulong para sa RCEF-Mechanization Project
Upang masigurado ang wasto, mabilis at angkop na pagsasakatuparan ng planong pagtatayo ng Rice Processing System sa ilalim ng RCEF-Mechanization Program ng Department of Agriculture – PHILMECH sa Barangay Ibabang Palale, muling pinulong ni Mayor Piwa Lim ang mga pangunahing tanggapan ng lokal na pamahalaan na nakatalagang manguna sa proyektong ito.
 
Ang itatayong Rice Processing System ay magbibigay ng malaking tulong sa mga magsasaka ng palay upang maging mataas ang kalidad ng kanilang ani, mas maayos na post-harvest processing, at dagdag kita sa mga magsasakang Tayabasin.
 
Kasama sa pulong sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Elsa Rubio, Attorney Christopher Juniar, CPDC Gino Zaporteza at mga kinatawan ng tanggapan mula sa City Engineering Office, Office of the City Architect, at City Agriculture Office ngayong Martes, May 5, 2026, sa tanggapan ng punong lungsod.
 
Patuloy ang pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Piwa Lim sa mga nasyonal na ahensya na makakatulong sa pagpapaunlad ng agrikultura at kabuhayan ng mga Tayabasin.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pulong para sa RCEF-Mechanization Project
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pulong para sa RCEF-Mechanization Project
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Pulong para sa RCEF-Mechanization Project
Shared on
Scroll to Top