6 May 2026

Mayor Piwa Lim, Tiniyak ang Suporta sa mga Proyekto ng Barangay Kanlurang Domoit

Mayor Piwa Lim, Tiniyak ang Suporta sa mga Proyekto ng Barangay Kanlurang Domoit
Pagpapatayo ng Day Care Center at iba pang pangangailangan ng barangay ang pangunahing idinulog ni Kanlurang Domoit Barangay Chairperson Ringo Bolaños at ng bumubuo ng Sangguniang Barangay kay Mayor Piwa Lim nang bumisita sila sa tanggapan ng alkalde ngayong Miyerkules, May 6, 2026.
 
Naging pagkakataon ang kanilang courtesy call sa punong lungsod para humiling ng maayos at sapat na potable water supply upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga kabarangay. Gayundin ang pagpapabilis ng konstruksyon ng mga proyektong covered court/evacuation center na inaasahang magsisilbing mahalagang pasilidad sa panahon ng sakuna at iba pang gawaing pangkomunidad.
 
Samantala, inanyayahan din ni Kapitan Ringo si Mayor Lim sa nalalapit na kapistahan ng Barangay Kanlurang Domoit sa darating na Mayo 18. Kasama sa naturang pagpupulong si GSO Cecil Potestades.
 
Ipinahayag naman ni Mayor Piwa Lim ang kanyang pasasalamat sa pagbisita ng mga opisyal ng barangay at tiniyak ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga proyektong makatutulong sa pag-unlad at kapakanan ng mamamayan ng Tayabas.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Tiniyak ang Suporta sa mga Proyekto ng Barangay Kanlurang Domoit
Mayor Piwa Lim, Tiniyak ang Suporta sa mga Proyekto ng Barangay Kanlurang Domoit
Mayor Piwa Lim, Tiniyak ang Suporta sa mga Proyekto ng Barangay Kanlurang Domoit
Shared on
Scroll to Top