7 May 2026

Mayor Piwa Lim at TCHI, Lumagda ng MOA para sa CPR at AED Training Program

Mayor Piwa Lim at TCHI, Lumagda ng MOA para sa CPR at AED Training Program
Tig-iisang CPR training equipment ang animnapu’t anim (66) na barangay, at tig-iisang AED training equipment ang labing-isang (11) clusters of barangay na ipinamahagi sa katatapos na donation activity and signing of Memorandum of Agreement ngayong Huwebes, May 7, 2026, sa Atrium ng New Tayabas City Hall.

Lumagda si Mayor Piwa Lim bilang kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas, at Tayabas Community Hospital, Inc. (TCHI) Chief Executive Officer and President Dra. Samanta Obispo Mortos sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kaugnay ng donasyong 66 CPR and 11 AED training equipment ng TCHI sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas upang magamit sa isasagawang mga pagsasanay ng mga Barangay upang maging handa sa pagsagip ng buhay sa oras ng pangangailangan.

Sa mensahe ni Mayor Piwa Lim, sinabi niya na “Naniniwala ako na knowledge is power, but a trained hand is a lifesaver. Sa pamamatnubay ng ating CDRRMO, sisiguraduhin nating ang bawat barangay ay may sapat na kakayahan at kumpiyansa na rumesponde sa anumang banta sa buhay.”

Naging panauhin at sumaksi sa paglagda sina City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz, Konsehal Ana R. Obispo, Dr. Jeremias Gonzales, Dr. Vivaldi Igualada, Dr. Chyrel T. Habito, Dr. Maria Rowena Enriquez, Mr. Ramon Saavedra, City Health Officer Hernando Marquez, CDRRMO Rosario Bandelaria at ang animnapu’t anim na kapitan ng barangay sa pamumuno ni ABC President Conrado Aragon.

Taus-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Mayor Piwa Lim sa pamunuan ng TCHI sa kanilang donasyon, na patunay na ang pagtutulungan ng gobyerno at ng pribadong sektor ay nagbubunga ng tunay na pagbabago at mas magandang serbisyo sa mga mamamayan.


#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim at TCHI, Lumagda ng MOA para sa CPR at AED Training Program
Mayor Piwa Lim at TCHI, Lumagda ng MOA para sa CPR at AED Training Program
Mayor Piwa Lim at TCHI, Lumagda ng MOA para sa CPR at AED Training Program
Shared on
Scroll to Top