18 May 2026

Padyak Pamana Year 4, Matagumpay na Naisagawa sa Mayohan Festival 2026

Padyak Pamana Year 4, Matagumpay na Naisagawa sa Mayohan Festival 2026
MAYOHAN FESTIVAL 2026: PADYAK PAMANA YEAR 4 || Humigit-kumulang dalwandaang lokal na siklistang Tayabasin kasama ang mga dayong mamamadyak buhat sa mga bayan ng Candelaria, Sariaya, Lucban, Lucena, at iba pang karatig-lugar ang naki-Padyak Pamana na naglalayong libutin ang mga makasaysayang pamanang lugar, at isulong ang aktibong pamumuhay at pagpapahalaga sa kalusugan.

Sa pang-apat na taon ay matagumpay na naisagawa ang Padyak Pamana bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mayohan Festival 2026 noong Linggo, Mayo 17, 2026, sa pangunguna ng Tayabas City Tourism Office na pinamumunuan ni STOO Koko Pataunia.

Naglaan din ng oras sina Mayor Piwa Lim at ang kanyang maybahay na si Mrs. Minda Lim, at Konsehal Jerry Talaga, upang kumustahin at makita ang mga kalahok na siklista bilang pagpapakita ng suporta sa naturang gawain.

Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa mga programang nakatuon sa pagpapalaganap ng malusog na pamumuhay, pagpapahalaga sa kalusugan, at pagpapanatili ng aktibong pangangatawan sa pamamagitan ng mga gawaing pisikal tulad ng pagbibisikleta.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Padyak Pamana Year 4, Matagumpay na Naisagawa sa Mayohan Festival 2026
Padyak Pamana Year 4, Matagumpay na Naisagawa sa Mayohan Festival 2026
Padyak Pamana Year 4, Matagumpay na Naisagawa sa Mayohan Festival 2026
Shared on
Scroll to Top