18 May 2026

James Louis Acot, Kampeon sa Juego de Anillo ng Mayohan Festival 2026

James Louis Acot, Kampeon sa Juego de Anillo ng Mayohan Festival 2026
MAYOHAN FESTIVAL 2026: JUEGO DE ANILLO || Dalwampu’t isang mangangabayong Tayabasin ang lumahok sa taunang Juego de Anillo sa nasasakupan ng New Tayabas City Hall noong Sabado, Mayo 16, 2026.

Palagiang tampok sa pagdiriwang ng Mayohan Festival ang juego de anillo kung saan nagpaparamihan ng masusungkit na singsing ang mga nakakabayong kalalakihan. At ngayong taon, nasungkit ni James Louis Acot ang kampeonato matapos makakuha ng kabuuang 21 anilyo. Samantalang pumangalawa si Alexander Tabernilla na may 20 anilyo. Pangatlong pwesto naman si John Carlo Tabernilla na nakaipon ng 19 na anilyo.

Pinangasiwaan ang aktibidad ng City Agriculture Office sa pamumuno ni Rommel Abuyan. Samantalang pinadalo ni Mayor Piwa Lim si Crisostomo Abrigo bilang kanyang kinatawan.

Nakuha naman ni Jethro Ordillano at ng kanyang alagang kabayo ang special award na Best in Costume dahil sa natatangi nilang kasuotan.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
James Louis Acot, Kampeon sa Juego de Anillo ng Mayohan Festival 2026
James Louis Acot, Kampeon sa Juego de Anillo ng Mayohan Festival 2026
James Louis Acot, Kampeon sa Juego de Anillo ng Mayohan Festival 2026
Shared on
Scroll to Top