MAYOHAN FESTIVAL 2026: BURADORAN || Tatlumpu’t apat na kalahok ang nagpalipad ng kani-kanilang mga burador sa open field ng New Tayabas City Hall noong Linggo, Mayo 17, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mayohan Festival 2026.
Nakiisa at personal na sumaksi sa makulay na kompetisyon si SK President Miguel Obdianela bilang suporta sa taunang tradisyon ng pagpapalipad ng burador. Nasungkit ng burador mula sa Brgy. Ipilan ang kampeonato at nagkamit ng P10,000 cash prize. Pumangalawa naman ang Brgy. Malao-a na tumanggap ng P7,000, habang pumangatlo ang Brgy. San Isidro Zone 4 na nag-uwi ng P5,000. Tumanggap din ng tig-P1,000 consolation prize ang lahat ng kalahok sa patimpalak.
Samantala, itinanghal na Best Pilot ang participant number 13 mula sa Brgy. Baguio. Kinilala rin bilang pinakamalaking burador na lumipad ang entry mula sa Brgy. Ipilan, habang itinanghal namang Most Artistic ang burador ng participant number 9 mula sa Brgy. Baguio.
Personal ding nagtungo si Helen Oareza bilang kinatawan ni Mayor Piwa Lim upang makiisa sa naturang aktibidad.
Patuloy namang isinusulong ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas, sa pamamagitan ng Tayabas City Tourism Office, ang pagpapanatili ng “Buradoran” bilang bahagi ng mayamang kultura at tradisyon ng lungsod, gayundin bilang pagpapakita ng kagalingan, kahusayan, at pagkamalikhain ng mga Tayabasin.