18 May 2026

Mga Fur Parents at Kanilang Alaga, Rumampa sa Taunang Petstival ng Tayabas

Mga Fur Parents at Kanilang Alaga, Rumampa sa Taunang Petstival ng Tayabas
MAYOHAN SA TAYABAS FESTIVAL 2026 || Nakasuot ng magagarang damit at costume ang mga aso at kanilang pet parents nang pumarada sa poblacion patungong Silungang Bayan ng Tayabas noong Sabado, May 16, 2026 para sa taunang “Petstival” ng City Veterinary Office.

Kabilang ang maybahay ni Mayor Piwa Lim na si Mrs. Minda Lim at si Konsehal Ana Obispo sa mga nagsilbing hurado para pumili ng gagawaran ng awards sa Dog Talent and Tricks, Dog Food Eating, Dog Dash, Pet Costume Contest, at Pet ad Pet Owners Look-A-Like.

Ang Petstival ay proyekto ng City Veterinary Office sa pamumuno ni Dr. Isagani Requizo na isinusulong ni Mayor Piwa Lim at ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas upang patuloy na mapalaganap ang Responsible Pet Ownership.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mga Fur Parents at Kanilang Alaga, Rumampa sa Taunang Petstival ng Tayabas
Mga Fur Parents at Kanilang Alaga, Rumampa sa Taunang Petstival ng Tayabas
Mga Fur Parents at Kanilang Alaga, Rumampa sa Taunang Petstival ng Tayabas
Shared on
Scroll to Top