18 May 2026

Bagong Tayabas Police Chief PLTCOL Bonna Obmerga, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim

Bagong Tayabas Police Chief PLTCOL Bonna Obmerga, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Nag-courtesy call kay Mayor Piwa Lim ang bagong talagang hepe ng Tayabas Component City Police Station na si PLTCOL Bonna A Obmerga ngayong Lunes, May 18, 2026.

Muling nabigyan ng assignment si PLTCOL Bonna A Obmerga na pamunuan ng lokal na himpilan ng pulisya kapalit ni PLTCOL Elizabeth Capistrano.

Sa pagbibigay-kortesiya ng hepe, nakaharap niya sa tanggapan ng punong lungsod sina Konsehal Jerry Talaga at Konsehal Riza Llaneta kung saan kanilang ipinahayag ang kanilang suporta sa bagong pamunuan ng Tayabas Component City Police Station.

Ipinangako naman ng bagong hepe ng pulis ang patuloy na kooperasyon at pagkakaisa upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mamamayan ng lungsod ng Tayabas.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mayor Piwa Lim sa pagbisita ni PCCPS Chief PLTCOL Obmerga at tiniyak ang buong suporta ng pamahalaang lungsod sa mga programa at hakbangin ng kapulisan para sa kapakanan ng mga Tayabasin.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Bagong Tayabas Police Chief PLTCOL Bonna Obmerga, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Bagong Tayabas Police Chief PLTCOL Bonna Obmerga, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Bagong Tayabas Police Chief PLTCOL Bonna Obmerga, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Shared on
Scroll to Top