19 May 2026

DALI EveryDay Groceries, Planong Magtayo ng Branch sa Tayabas

DALI EveryDay Groceries, Planong Magtayo ng Branch sa Tayabas
Nakipagpulong kay Mayor Lim sina DALI EveryDay Groceries Regional Manager Chris Schaedel, Expansion Supervisors Kennard E. Jalbuena and Cherry May Palcuto upang ipahayag at talakayin sa alkalde ang planong pagpapalawak ng kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagtatayo ng kanilang branch dito sa Lungsod ng Tayabas.

Nangyari ang pagbisita ngayong Martes, May 19, 2026, sa tanggapan ng punong lungsod kung saan humarap din sa pulong si Konsehal Jerry Talaga at napag-usapan ang posibleng branch expansion ng naturang grocery chain sa lungsod na inaasahang makapagbibigay ng dagdag na oportunidad sa trabaho, mas maraming pwedeng pagpiliang tindahan ng mga pangangailangan at mas malawak na serbisyong pangkabuhayan para sa mga Tayabasin.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
DALI EveryDay Groceries, Planong Magtayo ng Branch sa Tayabas
DALI EveryDay Groceries, Planong Magtayo ng Branch sa Tayabas
DALI EveryDay Groceries, Planong Magtayo ng Branch sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top