19 May 2026

Mayor Piwa Lim, Namiyesta at Namahagi ng Papremyo sa Ibabang Bukal at Calantas

Mayor Piwa Lim, Namiyesta at Namahagi ng Papremyo sa Ibabang Bukal at Calantas
Hindi lang basta namiyesta, namigay pa ng papremyo sa mga kalahok sa iba't ibang palarong inihanda ng barangay si Mayor Piwa Lim noong Linggo, May 17, 2026, sa Barangay Ibabang Bukal at Barangay Calantas.

Magkakasamang namiyesta sina Mayor Piwa LIm at kanyang maybahay, Mrs. Minda Lim, at Konsehal Jerry Talaga kung saan masaya silang sinaludar nina Kapitan Jerito Baldo sa Barangay Calantas, at Kapitan Archie Tarray sa Barangay Ibabang Bukal, kasama ang bumubuo ng Sangguniang Barangay. Nasaksihan at namigay ng papremyo si Mayor Piwa Lim sa mga kasali sa laro na lalong nagpasigla sa pagdiriwang ng kanilang kapistahan.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Namiyesta at Namahagi ng Papremyo sa Ibabang Bukal at Calantas
Mayor Piwa Lim, Namiyesta at Namahagi ng Papremyo sa Ibabang Bukal at Calantas
Mayor Piwa Lim, Namiyesta at Namahagi ng Papremyo sa Ibabang Bukal at Calantas
Shared on
Scroll to Top