20 May 2026

Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Tayabasin na Nangangailangan

Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Tayabasin na Nangangailangan
Muling ipinaramdam ni Mayor Piwa Lim sa mga higit na nangangailangang Tayabasin ang malasakit at pag-aaruga matapos agarang tumugon ang alkalde at personal na inihatid ang bagong wheelchair kay Laura Caagbay ng Barangay Masin ngayong Miyerkules, May 20, 2026.

Kasama ni Mayor Piwa Lim sa paghahatid ng wheelchair sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Jerry Caagbay at Konsehal Dino Romero. Hangad ng mga lingkod-bayan na makatulong ang assistive device sa kanyang pang-araw-araw na maalwang paggalaw.

Una nang nakipag-ugnayan si Ibabang Ilasan Barangay Chairperson Alice Yanilla sa pamahalaang lungsod upang iparating ang kahilingang mabigyan ng wheelchair si Nanay Laura Caagbay. Umalalay at nagbigay-suporta naman sa paghahatid ng wheelchair si Masin Barangay Chairperson Abel Reyes.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Tayabasin na Nangangailangan
Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Tayabasin na Nangangailangan
Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair sa Tayabasin na Nangangailangan
Shared on
Scroll to Top