24 May 2026

Serbisyong Pangkalusugan, Inihatid ng City Health Office sa Sitio Busal

Serbisyong Pangkalusugan, Inihatid ng City Health Office sa Sitio Busal
Tumalima sa atas ni Mayor Piwa Lim ang mga tauhan ng City Health Office, sa pamumuno ni Dr. Hernando Marquez, na ihatid sa mga Tayabasin na naninirahan sa laylayan ng lungsod ang mga serbisyong pangkalusugan. Kaya nagtungo ang mga kawani ng tanggapan sa Sitio Busal para magsagawa ng medical consultation, provision of dental kit, health information and education campaign on communicable and non communicable diseases prevention and control, environmental health and sanitation, at nagsagawa din ng misting activity sa Busal Elementary School, at home visitation for pregnant women (prenatal check up). Namigay din sila ng multivitamins, at namigay ng food packs sa mga residente dito.

Umalalay sa isinagawang aktibidad ang Sangguniang Barangay ng Ibabang Palale, mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, at ilang volunteers.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Serbisyong Pangkalusugan, Inihatid ng City Health Office sa Sitio Busal
Serbisyong Pangkalusugan, Inihatid ng City Health Office sa Sitio Busal
Serbisyong Pangkalusugan, Inihatid ng City Health Office sa Sitio Busal
Shared on
Scroll to Top