26 May 2026

77 Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng Mahigit P369K na Indemnity Checks mula sa PCIC

77 Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng Mahigit P369K na Indemnity Checks mula sa PCIC
Pitumpu’t pitung (77) magsasakang Tayabasin ang tumanggap ng Indemnity Checks na nagkakahalaga ng P369,297.88 mula sa Philippine Crop Insurance Corporation sa isinagawang payout ngayong Martes, Mayo 26, 2026, sa New Tayabas City Hall.

Nagpaabot ng mensahe at pagbati si Mayor Piwa Lim para sa mga magsasakang benepisyaryo. Ayon sa punong lungsod, mahalagang may katuwang ang mga magsasaka sa panahon ng pangangailangan at krisis.

Aniya, “Alam naming hindi biro ang pagiging magsasaka, kaya tungkulin ng pamahalaan na tiyaking may kaagapay kayo sa panahon ng pangangailangan at krisis. Sa tulong ng PCIC at ng lokal na pamahalaan, patuloy kayong magsumikap at mapanatili ang inyong sigla at motibasyon sa pagbibigay ng pagkain sa bawat tahanan ng ating mahal na Lungsod ng Tayabas.”

Personal ding sinagot ni Mayor Piwa Lim gamit ang sariling pondo ang pambayad para sa Agricultural Producer Protection Plan ng mga magsasaka bilang dagdag na suporta sa sektor ng agrikultura.

Dumalo si Konsehal Ana Obispo upang magbigay ng suporta at pakikiisa sa mga magsasakang Tayabasin.

Pinamahalaan naman ni PCIC Representative Aljane Mharu Oabel ang pamamahagi ng mga Indemnity Checks katuwang ang City Agriculture’s Office.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
77 Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng Mahigit P369K na Indemnity Checks mula sa PCIC
77 Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng Mahigit P369K na Indemnity Checks mula sa PCIC
77 Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng Mahigit P369K na Indemnity Checks mula sa PCIC
Shared on
Scroll to Top