28 May 2026

Misa ng Pasasalamat Inialay para sa Kaarawan ni Bishop Emilio Z. Marquez

Misa ng Pasasalamat Inialay para sa Kaarawan ni Bishop Emilio Z. Marquez
Isang Misa ng Pasasalamat ang inialay ng mga kaparian at mga opisyal ng simbahan sa ilalim ng Roman Catholic Diocese of Lucena para sa kaarawan ni Most Rev. Emilio Z. Marquez, D.D., Bishop Emeritus ng diocese, ngayong Huwebes, May 28, 2026.

Kabilang sa mga dumalo sa misang ipinagdiwang sa St. Ferdinand Cathedral sina Tayabas City Mayor Piwa Lim, Quezon Governor Angelina "Doktora Helen" Tan, Vice Governor Third Alacala, Konsehal Jerry Talaga, mga opisyal ng Lalawigan at mga deboto na nagbigay-pugay sa naging ambag ni Bishop Marquez sa pananampalataya at komunidad.

Nagpaabot ng pagbati si Mayor Piwa Lim kay Bishop Marquez at kinilala ang kanyang dedikasyon sa pagpapalaganap ng pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod sa sambayanan sa loob ng maraming taon.

Ang pagdiriwang ay naging makahulugan at puno ng pasasalamat, habang sama-samang nanalangin ang mga dumalo para sa patuloy na mabuting kalusugan at mahabang buhay ng Bishop Emlio Z. Marquez.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Misa ng Pasasalamat Inialay para sa Kaarawan ni Bishop Emilio Z. Marquez
Misa ng Pasasalamat Inialay para sa Kaarawan ni Bishop Emilio Z. Marquez
Misa ng Pasasalamat Inialay para sa Kaarawan ni Bishop Emilio Z. Marquez
Shared on
Scroll to Top