28 May 2026

DILG-Quezon Provincial Director Andres, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim

DILG-Quezon Provincial Director Andres, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Bumisita sa tanggapan ni Mayor Piwa Lim si DILG-Quezon Provincial Director Abigail N. Andres, kasama ang mga kinatawan mula sa DILG Quezon – Cluster I, para mag-courtesy call ngayong Huwebes, May 28, 2026.

Sinamantala ng mga opisyal ng DILG-Quezon FO ang kasalukuyang idinadaos na Cluster Team Conference para magkortesiya sa alkalde upang higit na palakasin ang koordinasyon, pagtutulungan, at pagbabahagi ng mga programa at pinakamahusay na gawain sa hanay ng mga lokal na pamahalaan at tanggapan ng DILG sa Lalawigan ng Quezon.

Mainit na tinanggap nina Mayor Piwa Lim at City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz ang delegasyon at nagpahayag ng pasasalamat sa patuloy na suporta at pakikipag-ugnayan ng DILG sa lokal na pamahalaan ng Tayabas. Tinalakay rin sa kanilang pagpupulong ang kahalagahan ng mahusay na pamamahala, pagpapaigting ng serbisyo publiko, at pagpapanatili ng maayos na ugnayan sa pagitan ng pambansa at lokal na pamahalaan.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
DILG-Quezon Provincial Director Andres, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
DILG-Quezon Provincial Director Andres, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
DILG-Quezon Provincial Director Andres, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Shared on
Scroll to Top