28 May 2026

Mayor Piwa Lim, Dumalo sa Technical Session ng mga Planner ng Quezon

Mayor Piwa Lim, Dumalo sa Technical Session ng mga Planner ng Quezon
Naging pangunahing agenda ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) sa idinaos na technical session ng Quezon Local Planners Association noong Miyerkules, May 27, 2026, sa Bluepeak Villa, Carmenville, Barangay Wakas, Tayabas City.

Dumalo si Mayor Anthony Piwa Lim sa nasabing pagtitipon at buong galak na tinanggap ang mga kalahok. Ipinahayag din niya ang kasiyahan dahil sa Lungsod ng Tayabas isinagawa ang nasabing technical session ng mga planning and development coordinators ng lalawigan.

Pinamunuan ni Engr. Russel Narte ng Office of the Provincial Planning and Development Coordinator ang nasabing technical session kung saan bukod sa LPTRP ay tinalakay din ang Zoning Administration, Formulation of Local Agri-Fishery Mechanization Plan (LAFMP), at Annual Investment Program Formulation (AIP).

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Dumalo sa Technical Session ng mga Planner ng Quezon
Mayor Piwa Lim, Dumalo sa Technical Session ng mga Planner ng Quezon
Mayor Piwa Lim, Dumalo sa Technical Session ng mga Planner ng Quezon
Shared on
Scroll to Top