28 May 2026

Bagong Pamunuan ng Tribu ng mga Ayta, Nanumpa sa Harap ni Mayor Piwa Lim

Bagong Pamunuan ng Tribu ng mga Ayta, Nanumpa sa Harap ni Mayor Piwa Lim
Nanumpa sa tungkulin sa harap ni Mayor Piwa Lim ngayong Huwebes, May 28, 2026, ang bagong pamunuan ng Tribu ng mga Ayta sa pamumuno ni Chieftain Melissa Dela Cruz.

Naging pagkakataon din ang okasyon para mag-courtesy call ang mga opisyal ng tribu sa alkalde upang idulog ang kanilang mga pangangailangan, kagaya ng pagkakaroon ng sariling lupa na permanenteng mapagtatayuan ng kanilang mga tahanan at makakapamuhay ng matiwasay ang mga kasapi ng komunidad. Nais din nilang humingi ng mga kagamitan sa mga pagtitipon ng kanilang komunidad.

Sinigurado naman ng alkalde na nakahandang sumuporta ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa mga kababayan nating Ayta upang mapangalagaan at maprotektahan ang kanilang komunidad.

Sumaksi sa isinagawang panunumpa sina Konsehal Dino Romero, CSWDO Irma Ilocario at Barangay Tongko Chairperson Apolonia J. Abelido.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Bagong Pamunuan ng Tribu ng mga Ayta, Nanumpa sa Harap ni Mayor Piwa Lim
Bagong Pamunuan ng Tribu ng mga Ayta, Nanumpa sa Harap ni Mayor Piwa Lim
Bagong Pamunuan ng Tribu ng mga Ayta, Nanumpa sa Harap ni Mayor Piwa Lim
Shared on
Scroll to Top