31 May 2026

Bishop Mel Rey Uy Pinangunahan ang Misa sa Pistang Parokyal at Birthday Celebration ni Mayor Piwa Lim

Bishop Mel Rey Uy Pinangunahan ang Misa sa Pistang Parokyal at Birthday Celebration ni Mayor Piwa Lim
DOUBLE CELEBRATION || Dumalo sa banal na misa alay sa kapiyestahan ng parokya ng Our Lady of Visitation sa Barangay Ibabang Palale, Tayabas City si Mayor Piwa Lim ngayong Linggo, May 31, 2026.

Nakatanggap din ang alkalde, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon, kasama ang iba pang celebrators, ng birthday blessings buhat kay Bishop Mel Rey Uy, D.D, ang main celebrant ng thanksgiving mass.

Kasama ng alkalde sa pagdalo sa okasyon ang ilan sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod kabilang sina Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Ana Obispo at Konsehal Jerry Caagbay; ang bumubuo ng Sangguniang Barangay; mga hermano at hermana ng kapiyestahan; at ang sambayanan na nasasakupan ng parokya.

Matapos ang misa ay masayang dumulog si Mayor Piwa Lim sa salu-salong iginayak ng parokya para sa mga kaparian at mga panauhin kasama si Bishop Mel Rey Uy, D.D., ang obispo ng Diosesis ng Lucena.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Bishop Mel Rey Uy Pinangunahan ang Misa sa Pistang Parokyal at Birthday Celebration ni Mayor Piwa Lim
Bishop Mel Rey Uy Pinangunahan ang Misa sa Pistang Parokyal at Birthday Celebration ni Mayor Piwa Lim
Bishop Mel Rey Uy Pinangunahan ang Misa sa Pistang Parokyal at Birthday Celebration ni Mayor Piwa Lim
Shared on
Scroll to Top