1 June 2026

Bagong Wheelchair Ipinagkaloob ni Mayor Piwa Lim sa Senior Citizen mula sa Camaysa

Bagong Wheelchair Ipinagkaloob ni Mayor Piwa Lim sa Senior Citizen mula sa Camaysa
Si Nanay Eliza R. Rilloraza ng Sitio Querubin, Barangay Camaysa, ang pinakabagong recipient ng bago at matibay na wheelchair buhat kay Mayor Piwa Lim.

Sina Konsehal Carmelo Cabarrubias at Ginoong Jesus Mirandilla Jr., na sila ring nagparating ng kahilingan sa alkalde, ang tumanggap ng nasabing assistive device para ihatid sa tahanan ni Nanay Eliza, ngayong Lunes, April 27, 2026.

Patuloy na ipinararamdam ni Mayor Piwa Lim ang malasakit ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa kapakanan ng mga nangangailangang sektor sa pamamagitan ng mga programang tumutulong sa mga indibidwal na may kapansanan o may limitasyon sa paggalaw upang mas mapabuti ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at magkaroon ng mas maayos na kalidad ng buhay.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Bagong Wheelchair Ipinagkaloob ni Mayor Piwa Lim sa Senior Citizen mula sa Camaysa
Shared on
Scroll to Top