1 June 2026

Rural Improvement Club (RIC) Members, Sumailalim sa Livelihood Training sa Paggawa ng Skinless Longganisa

Rural Improvement Club (RIC) Members, Sumailalim sa Livelihood Training sa Paggawa ng Skinless Longganisa
Nagsanay ang mga miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) sa paggawa ng skinless longganisa sa LGU Shared-Service Facility sa Brgy. Mateuna ngayong Lunes, June 1, 2026.

Nakatakda rin silang magsanay sa pagluluto ng embutido at iba pang meat products sa mga susunod na araw upang higit pang mapalawak ang kanilang pagkakakitaan.

Ang nasabing livelihood training ay bahagi ng programang pangkabuhayan ng pamahalaang lokal ng Lungsod ng Tayabas na inilunsad ng Office of the City Agriculturist. Hangad nila na mabigyan ng karagdagang kaalaman at oportunidad sa hanapbuhay ang mga miyembro ng samahan sa pamamagitan ng pagproseso at pagbebenta ng mga produktong pagkain.

Umabot sa 70 kilo ng karneng baboy ang prinosesong skinless longganisa at iba pang produkto na kanilang ibebenta sa merkado.

Dumalo bilang panauhin sa pagsasanay ang mga pangulo ng Tayabas Federation of Rural Improvement Club mula sa iba't ibang barangay. Samantalang dumalo si Gng. Medelyn Ramirez bilang kinatawan ni Mayor Piwa Lim, na siya ring nagpahayon ng mensahe ng alkalde.

Pinamahalaan ng mga kawani ng Office of the City Agriculturist ang livelihood training na layuning magbigay ng dagdag na kabuhayan at mapaunlad ang kakayahan ng mga miyembro ng iba’t ibang samahan.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Rural Improvement Club (RIC) Members, Sumailalim sa Livelihood Training sa Paggawa ng Skinless Longganisa
Rural Improvement Club (RIC) Members, Sumailalim sa Livelihood Training sa Paggawa ng Skinless Longganisa
Rural Improvement Club (RIC) Members, Sumailalim sa Livelihood Training sa Paggawa ng Skinless Longganisa
Shared on
Scroll to Top