9 June 2026

74 na Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng P378K Indemnity Checks mula sa PCIC

74 na Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng P378K Indemnity Checks mula sa PCIC
Pitumpu't apat (74) na magsasakang Tayabasin ang tumanggap ng Indemnity Checks na nagkakahalaga ng P378,353.58 mula sa Philippine Crop Insurance Corporation-Regional Office-4 sa isinagawang payout ngayong Martes, June 9, 2026, sa Casa Communidad De Tayabas.

Nagpaabot ng mensahe at pagbati si Mayor Piwa Lim sa pamamagitan ni Gng. Clency Lado. Aniya, “Ako po ay nagpapasalamat sa patuloy na suporta ng PCIC. Bukod po dun ay ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ay patuloy ang suporta sa inyong mga magsaaaka, at kung ano man po ang inyong pangangailangan ay kami po ay nakasuporta sa inyo."

Pinamahalaan ni PCIC Representative Aljane Mharu Oabel ang pamamahagi ng Indemnity Checks katuwang ang City Agriculture’s Office sa pamumuno ni City Agriculturist Rommel Abuyan.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
74 na Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng P378K Indemnity Checks mula sa PCIC
74 na Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng P378K Indemnity Checks mula sa PCIC
74 na Magsasakang Tayabasin, Tumanggap ng P378K Indemnity Checks mula sa PCIC
Shared on
Scroll to Top