10 June 2026

Mayor Piwa Lim at iba pang mga Opisyal, Nagsulong ng mga Programang Pang-empleyo sa Pakikipagpulong sa DOLE

Mayor Piwa Lim at iba pang mga Opisyal, Nagsulong ng mga Programang Pang-empleyo sa Pakikipagpulong sa DOLE
NAG-COURTESY CALL sa tanggapan ni DOLE Secretary Atty. Francis N. Tolentino sina Tayabas City Mayor Piwa Lim, Quezon Vice Governor Third Alcala, Lucban Municipal Mayor Tenten Villaverde, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Dino Romero, Konsehal Riza Llaneta at Konsehal Luz Cuadra ngayong Miyerkules, Hunyo 10, 2026.

Hangarin ng pagbisita at pakikipagpulong ng mga lokal na opisyal sa kalihim na higit pang mapatibay at patuloy na mailapit sa kagawaran ang mga programa at proyektong makatutulong sa pagpapabuti ng kabuhayan at kapakanan ng mga mamamayan ng Lungsod ng Tayabas.

Tinalakay sa pulong ang mga posibleng inisyatiba at programang pang-empleyo, pangkabuhayan, pagsasanay at iba pang serbisyo ng Department of Labor and Employment na maaaring maihatid sa mga residente ng lungsod.

Patuloy namang ipinapakita ng lokal na pamahalaan ng Tayabas ang kanilang dedikasyon sa paghahanap ng mga makabuluhang programa at pakikipagtulungan sa iba't ibang ahensya ng gobyerno para sa kapakanan at kaunlaran ng bawat mamamayan.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim at iba pang mga Opisyal, Nagsulong ng mga Programang Pang-empleyo sa Pakikipagpulong sa DOLE
Mayor Piwa Lim at iba pang mga Opisyal, Nagsulong ng mga Programang Pang-empleyo sa Pakikipagpulong sa DOLE
Mayor Piwa Lim at iba pang mga Opisyal, Nagsulong ng mga Programang Pang-empleyo sa Pakikipagpulong sa DOLE
Shared on
Scroll to Top