11 June 2026

Ciudad De Tayabas Pharmacy, Pormal nang Binuksan sa Lungsod ng Tayabas

Ciudad De Tayabas Pharmacy, Pormal nang Binuksan sa Lungsod ng Tayabas
MAY SARILING BOTIKA NA ANG PAMAHALAANG LOKAL NG LUNGSOD NG TAYABAS! Ito ay matapos pangunahan ni Mayor Piwa Lim ang pormal na pagbubukas nito ngayong Huwebes, June 11, 2026.

Pinangasiwaan ni Rev. Fr. John Añago ang pagbabasbas ng Ciudad De Tayabas Pharmacy sa compound ng Old Tayabas Municipal Hall na dinaluhan nina Mayor Piwa Lim, Quezon 1st District Representative Mark Enverga, City Health Officer Hernando Marquez, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Dino Romero, Konsehal Ana Obispo, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Jerry Caagabay, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Phaula Nadres, SK Federation President Ren Miguel Obdianela, Mr. Zaldy Gariguez, Nathan Enverga, Matthew Enverga, mga kawani ng City Health Office at mga kapitan ng barangay.

Ang nasabing botika ang magsisilbing pangunahing pagkukunan ng mga kinakailangang gamot ng lokal na pamahalaan para sa mga nagpapakonsulta sa pasilidad lalo't higit ang mga pasyente sa 24/7 Outpatient Clinic ng City Health Office.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Ciudad De Tayabas Pharmacy, Pormal nang Binuksan sa Lungsod ng Tayabas
Ciudad De Tayabas Pharmacy, Pormal nang Binuksan sa Lungsod ng Tayabas
Ciudad De Tayabas Pharmacy, Pormal nang Binuksan sa Lungsod ng Tayabas
Shared on
Scroll to Top