11 June 2026

2,544 Tayabasing Magsasaka Tumanggap ng Cash Aid at Binhi mula sa PAFAF

2,544 Tayabasing Magsasaka Tumanggap ng Cash Aid at Binhi mula sa PAFAF
TULONG NA CASH AT MGA BINHI ang tinanggap ng 2,544 rice and corn farmers na Tayabasin sa katatapos na Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolks, and Turn-Over of Agricultural Intervention sa Lakawan Gymnasium ngayong Huwebes, June 11, 2026.

Matatandaang nauna nang mamahagi ng hybrid rice seeds sa mga rice farmers sina Mayor Piwa Lim at mga konsehal noong Lunes, June 8, 2026, sa Tayabas Integrated Farm and Research Center o TIFARC.

Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P2,325 halaga ng ayuda, at mga hybrid at inbred seeds para sa mga magpapalay. Samantalang iba't ibang corn inputs naman ang ipinamahagi sa mga magmamais upang makatulong sa pagpapataas ng kanilang produksyon at makatulong sa kanilang kabuhayan.

Nagpaabot ng suporta at pagbati sa mga magsasaka sina Mayor Piwa Lim, Quezon 1st District Representative Mark Enverga, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Ana Obispo, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Luz Cuadra, City Agriculturist Romel Abuyan, DA-Regional Office Representative Zusette Panopio at Rice Banner Coordinator Maricris Ite.

Ayon sa mga opisyal, ang naturang programa ay patunay ng patuloy na pagkalinga ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura at sa mga magsasakang nagsisilbing haligi ng seguridad sa pagkain ng bansa.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
2,544 Tayabasing Magsasaka Tumanggap ng Cash Aid at Binhi mula sa PAFAF
2,544 Tayabasing Magsasaka Tumanggap ng Cash Aid at Binhi mula sa PAFAF
2,544 Tayabasing Magsasaka Tumanggap ng Cash Aid at Binhi mula sa PAFAF
Shared on
Scroll to Top