25 June 2026

Limang Tayabasin na Nangangailangan ng Assistive Device, Tumanggap ng Wheelchair mula kay Mayor Piwa Lim

Limang Tayabasin na Nangangailangan ng Assistive Device, Tumanggap ng Wheelchair mula kay Mayor Piwa Lim
ISA-ISANG HINATIRAN NI MAYOR PIWA LIM NG WHEELCHAIR ANG LIMANG TAYABASIN na nangangailangan ng assistive device noong Martes, June 23, 2026.

Buhat sa sariling bulsa, bumili si Mayor Piwa Lim ng limang (5) wheelchair para ihandog kina Flordelisa Paceos na taga-Barangay Camaysa, Valentin Reyes ng Barangay Masin, Flora Caagbay at Rosalinda Pacaigue ng Barangay Ibabang Ilasan, at Virginia Nanea ng Barangay Ilayang Ilasan.

Magkakasamang naghatid sa mismong tahanan ng mga may kapansanan sina Mayor Piwa Lim, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Carmelo Cabarrubias, Konsehal Dino Romero at PKB President Conrado Aragon.

Patuloy na tinutupad ni Mayor Piwa Lim ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga indibidwal na may kapansanan, at mga may limitasyon sa paggalaw. Sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga wheelchair, inaasahang mas mapaalwan ang kanilang pang-araw-araw na gawain at mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay.

#LungsodNaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office

Limang Tayabasin na Nangangailangan ng Assistive Device, Tumanggap ng Wheelchair mula kay Mayor Piwa Lim
Limang Tayabasin na Nangangailangan ng Assistive Device, Tumanggap ng Wheelchair mula kay Mayor Piwa Lim
Limang Tayabasin na Nangangailangan ng Assistive Device, Tumanggap ng Wheelchair mula kay Mayor Piwa Lim
Shared on
Scroll to Top