25 June 2026

Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Turnover ng Improved Child Development Center sa Barangay Camaysa

Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Turnover ng Improved Child Development Center sa Barangay Camaysa
MAY MAAYOS AT MAGANDANG CHILD DEVELOPMENT CENTER NA ANG BARANGAY CAMAYSA matapos itong pormal na i-turn-over ni Mayor Piwa Lim sa Sangguniang Barangay ng Camaysa noong Miyerkules, June 24, 2026.

Sumailalim sa improvement ang Munting Querubin Child Development Center o mas kilala bilang “day care center” sa Sitio Querubin, Barangay Camaysa, upang mas maging angkop sa pangangalaga at paghuhubog ng murang isip ng mga batang pumapasok doon.

Malugod na tinanggap ng Sangguniang Barangay ng Camaysa sa pamumuno ni Chairperson Rosemarie Tayag ang nasabing CDC buhat kay Mayor Piwa Lim kasama sina City Engineer Christian Tamaño, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Luz Cuadra, PKB President Conrado Aragon, Konsehal Jerry Caagbay, at CSWDO Irma Ilocario.

Ayon sa alkalde, “Ang pagpapabuti ng Child Development Centers ay mahalagang hakbang upang matiyak na may maayos na lugar ang mga bata para sa kanilang maagang edukasyon at paghubog ng kanilang kakayahan.”

Patuloy na isinusulong ng administrasyon ni Mayor Piwa Lim ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga kabataan at pagpapalakas ng mga serbisyong panlipunan upang higit na mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat Tayabasin.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Turnover ng Improved Child Development Center sa Barangay Camaysa
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Turnover ng Improved Child Development Center sa Barangay Camaysa
Mayor Piwa Lim, Pinangunahan ang Turnover ng Improved Child Development Center sa Barangay Camaysa
Shared on
Scroll to Top