25 June 2026

Rehabilitasyon ng Puente De Reina Isabel II at Pagsasaayos ng mga Makasaysayang Pook sa Tayabas, Tinalakay ngg LGU, NCCA at NHCP

Rehabilitasyon ng Puente De Reina Isabel II at Pagsasaayos ng mga Makasaysayang Pook sa Tayabas, Tinalakay ngg LGU, NCCA at NHCP
REHABILITASYON NG PUENTE DE REINA ISABEL II, PAGSASAAYOS NG CASA COMUNIDAD DE TAYABAS AT MINOR BASILICA OF SAINT MICHAEL THE ARCHANGEL, tinalakay sa pulong sa pagitan ni Mayor PIwa Lim at mga kinatawan ng National Commission for Culture and the Arts, National Historical Commission of the Philippines noong Lunes, June 22, 2026.

Layunin ng pagbisita ng mga kinatawan ng dalawang ahensya ng gobyerno na talakayin ang mga hakbang para sa pangangalaga, pagsasaayos, at pagpapaunlad ng mga idineklarang cultural heritage sites sa Lungsod ng Tayabas.

Kabilang sa mga humarap sa pulong buhat sa NCCA sina Architect Marlu Calderon, Carina Bautista, at Architect Ron-J Mabunga. Gayundin sina Architect Dan Paul Awarayan, Engineer Richard Martinez Katipunan at Miguel Antonio Jimenez ng NHCP.

Sa panig naman ng LGU-Tayabas ay dumalo sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Dino Romero, Konsehal Ana Obispo, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Jerry Caagabay, SK Federation President Ren Miguel Obdianela, at City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz.

Malalim ang naging pagtalakay sa rehabilitasyon ng Puente de Reina Isabel II sa Barangay Malao-a na kasalukuyang nakaaapekto sa daloy ng trapiko sa lugar. Gayundin ang mga plano para sa pagsasaayos ng Casa Comunidad de Tayabas at ng Minor Basilica of Saint Michael the Archangel, dalawa sa mga mahahalagang makasaysayang pook sa lungsod.

Binigyang-diin ng magkabilang panig ang kahalagahan ng pagtutulungan ng nasyonal at lokal na pamahalaan upang mapanatili ang mayamang kasaysayan at kultura ng Tayabas habang isinasaalang-alang ang kapakanan at pangangailangan ng mga mamamayan.

Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Piwa Lim sa mga kinatawan ng NCCA at NHCP sa kanilang pagbisita at pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan. Aniya, mahalaga ang mga ganitong talakayan upang makabuo ng mga konkretong solusyon na magtitiyak sa pangangalaga at patuloy na pagpapaganda ng mga heritage site na nagsisilbing yaman at pagkakakilanlan ng Lungsod ng Tayabas.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Rehabilitasyon ng Puente De Reina Isabel II at Pagsasaayos ng mga Makasaysayang Pook sa Tayabas, Tinalakay ngg LGU, NCCA at NHCP
Rehabilitasyon ng Puente De Reina Isabel II at Pagsasaayos ng mga Makasaysayang Pook sa Tayabas, Tinalakay ngg LGU, NCCA at NHCP
Rehabilitasyon ng Puente De Reina Isabel II at Pagsasaayos ng mga Makasaysayang Pook sa Tayabas, Tinalakay ngg LGU, NCCA at NHCP
Shared on
Scroll to Top